74

Oct 25, 2021 @ 16:59
By

Housemate ‘nangmanyak’ sa loob ng PBB House

Binatikos ng ilang netizens ang Pinoy Big Brother housemate na si Brenda Mage dahil sa biro nito sa kapwa housemate na si Eian Rances.

“Paano kapag nag-inuman tayo tapos paggising mo, hawak ko na, lasing ka? Tuloy o tigil?” tanong ni Brenda kay Eian na nakuhanan sa Kumu live stream ng reality show.

Si Brenda ay isang komedyante at parte ng LGBTQ community.

“Huwag kang ganu’n, masama ‘yun. Hindi lang sa akin, huwag mong gagawin ‘yun,” tugon naman sa kanya ni Eian.

Bagamat biruan lamang ito sa pagitan ng dalawa, ‘di ito nakaligtas sa mga netizen dahil nagpapahiwatig daw ito ng sexual harassment.

“Brenda’s ‘hypothetical question’ implies sexual harassment. ‘Hawak ko na’ dahil ‘na-carried away kasi lasing’ is predatory behavior by using alcohol as an excuse,” pahayag ng Twitter user na si @acegomez_.

“I wonder bakit wala pang action si Kuya dito. Alarming,” wika naman ni @callmeTonite_k. “[Pinoy Big Brother], wala naman sanang favoritism.”

Ang ilan pang mga netizen ay sinabing dapat palabasin ng PBB House si Brenda gaya ng ginawa sa dating housemate na si Banjo Dangalan noong 2019 na pinalabas ng bahay dahil sa kanyang rape joke. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?