261

Dec 13, 2017 @ 9:44
By

Houseboy iniwan ng misis, nagbigti

Halos lawit na ang dila ng isang 37-anyos na houseboy nang matagpuan itong nakabigti at wala nang buhay sa loob ng kuwarto ng bahay ng amo nito kamakalawa sa Ibajay, Aklan.

Gamit ang lubid, nagbigti ang biktimang si Rodelio Bareliano, 37, residente ng Fragante, Pandan, Antique, matapos umanong hindi makayanan ang sakit nang iwan ng sariling asawa.

Napag-alaman na bandang alas-singko ng hapon nang tawagin ito ng kaniyang amo na si Leoven Castro, para utusan nang tumambad ang nakabigting katawan ng biktima sa likurang kuwarto ng bahay sa Brgy. Tagbaya, Ibajay, Aklan.

Napag-alaman na sapul nang hiwalayan ng kaniyang asawa ang biktima, madalas na itong tahimik at malulungkutin na marahil masyadong dinamdam ang nangyari sa kaniya kaya minarapat nang wakasan ang buhay.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung may foul play sa insidente. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?