By

Houseboy, binurdahan ng saksak sa burol

Sharing is caring!

Kamuntikan nang humabol sa libing ng kanilang kapitbahay ang isang lalaki matapos na walang habas na pagsasaksakin ng isa sa kanyang mga kalaro nang pagbintangang nandaraya sa sugal na cara y cruz sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Caloocan City Police, ganap na alas-10:00 ng umaga nangyari ang krimen sa Area D, Barangay 178, Camarin.

Nagsusugal umano ng cara y cruz ang biktimang si Randy Calapano, 36-anyos, houseboy at residente rin ng nasabing lugar nang biglang sitahin ng suspek na si Stephen Lucha, 19, binata, na kapitbahay ng biktima dahil umano sa pandaraya nito at sunod-sunod na pagkapanalo.

Itinanggi ng biktima ang paratang ngunit maging ang dalawa pa nilang kalaro ay kumampi sa suspek na pinag-umpisahan ng away at pananaksak kay Calapano.

Isinugod sa Dr. Jose Reyes Hospital ang biktima na patuloy pa ring inoobserbahan ang kalagayan.

Naaresto sa follow-up operation si Lucha at narekober sa kanya ang ginamit na panaksak, ngunit bigong mahuli ang dalawa pa. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?