43

Jul 19, 2021 @ 16:00

House-to-house check-up hirit ni Cayetano

Billy Begas

Iminungkahi ni dating Speaker Alan Peter Cayetano sa Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsasagawa ng house-to-house check-up sa bawat lugar upang matukoy ang mga sakit ng bawat Pilipino.

Ayon kay Cayetano mayroong ganitong programa ang Taguig City kaya alam ng lokal na pamahalaan kung ilang tao ang may partikular na sakit na kailangang bilhan ng gamot.

“So at any point in time, alam namin sino ang buntis, sino ang may high blood, sino ang may diabetes. Kaya ang gamot po sa amin, hinahatid na sa bahay-bahay,” sabi ni Cayetano.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Cayetano na malalaman din ng lokal na pamahalaan kung ilan ang gamot na kailangang bilhin.

“Maniwala po kayo, kapag alam niyo kung ilan ang bibigyan niyo ng gamot, mas mura ‘yung generics na totoo,” dagdag pa ng solon.

Sinabi ni Cayetano na nakalulungkot na mayroong mga may sakit na hindi man lamang nakakapagpa-check up gaya ni Virginia Demerin, residente ng of Quezon City na naputulan ng paa dahil sa diabetes.

Nang makuha ni Demerin ang P10,000 tulong pinansyal mula sa Sampung Libong Pag-Asa program ni Cayetano ay nakapagpa-checkup na ito.

After receiving the P10,000 in cash aid from Cayetano’s group, she was able to seek medical assistance.

“Magaling na po ‘yung paa ko at tine-therapy na sa Philippine Orthopedic [Center],” sabi ni Demerin.

Isinusulong ng grupo ni Cayetano ang pagbibigay ng gobyerno ng P10,000 ayuda bawat pamilya upang matulungan ang mga ito at maibangon ang ekonomiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?