323

Jan 27, 2020 @ 18:14
By

‘House of Kobe’ inilunsad sa Valenzuela

Bago masawi sa helicopter crash si NBA legend Kobe Bryant, inilunsad sa Valenzuela City ang “House of Kobe”.

Ayon kay Valenzuela City Rep. Eric Martinez, chair ng House committee on youth and sports development, inilunsad ang Lakers at #KobeBryant-inspired basketball court alas-tres ng hapon noong Enero 26 (PH time).

Isa ito sa basketball court na itinayo sa Valenzuela City na may temang National Basketball Association.

Matatagpuan ang “House of Kobe” sa Barangay Karuhatan.

Nag-iwan ng mga bulaklak at kandila ang mga fan sa nasabing basketball court nang malaman ang maagang pagpanaw ni Bryant nitong January 26 sa California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?