45

Oct 24, 2018 @ 11:17
By

House minority suportado si GMA sa pagkalas sa IPU

Inihain ng hanay ng minorya, sa pangunguna ni House minority leader Danilo Suarez, ang House Resolution 2270 na sumusuporta sa rekumendasyon ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo na mag-withdraw ng membership ang Kongreso sa Inter-Parliamentary Union (IPU).

Binigyang diin sa resolusyon na ginagarantiyahan ng Saligang Batas ang independent foreign policy ng estado.

Nilikha anila ang IPU kung saan miyembro ang Pilipinas, para palakasin ang demokrasya at magtatag ng malakas na mga national parliament na tutugon sa mga isyung may kaugnayan sa kalusugan, pag-unlad, kapayapaan at seguridad.

Pero kamakailan ay naglabas ang IPU ng resolusyon sa kanilang imbestigasyon sa kaso ni Senador Leila de Lima, at pahayag sa kaso naman ni Senador Antonio Trillanes IV.

Para sa minorya, lumampas ang IPU sa hangganan dahil sa panghihimasok sa judicial process ng bansa, na taliwas umano sa prinsipyo ng soberenya.

Dahil dito, suportado ng minority bloc ang hirit ni GMA na kumalas na ang Kongreso sa IPU.

“Whereas, the IPU stepped outside its boundaries with its interference in the country’s judicial processes which runs counter to the principle of State sovereignty,” saad sa resolusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?