7

Jul 23, 2020 @ 11:06
By

House employee na COVID-positive, patay na

Sumakabilang-buhay na kaninang umaga ang isang manggagawa ng Kamara na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, ang 52-anyos na kawani na may hypertension ay nakatalaga sa Bills and Index Service.

Work from home umano ito simula Hunyo 18, pero pumunta sa kanilang tanggapan noong Hunyo 29 para magsumite ng mga dokumento.

“It was reported to us last July 21 that an employee assigned at Bills & Index Service tested positive for COVID-19. We are deeply saddened to know that he passed away early this morning,” wika ni Montales.

“He was hospitalized last July 17 after experiencing some symptoms. On July 20, he tested positive for COVID-19.”

“May he rest in peace. Our prayers for his loved ones during this difficult time,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?