61

House bill planong pag-isahin ang LTO, LTFRB

Isinusulong ng mga mambabatas na kumuha ng prangkisa ang mga transport network companies (TNCs) tulad ng Grab at Uber sa Kongreso upang maka-operate sa bansa.

Nakapaloob ito sa House Bill No. 6776 o ang “Land Transport Act of 2017” na layon na repasuhin ang lumang public transport system ng bansa.

Mungkahi rin sa panukala na pag-isahin na lang na ahensiya ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ipinasa ang panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez at walo pang mambabatas noong Disyembre 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?