29

Sep 28, 2021 @ 18:33
By

House Bill 9913 igagaya sa bersyon ng Senado

Upang agad na maisabatas, kokopyahin ng Kamara de Representantes ang bersyon ng Senado sa pagbubuwis sa pribadong eskwelahan.

Sumulat si House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda kay House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez upang ipaalam sa kanya na tinatanggap ng komite ang mga pagbabagong ginawa ng Senado sa House Bill 9913 o ang panukalang Tax Treatment for Proprietary Schools.

Sa ilalim ng panukala, ang mga pribadong eskuwelahan ay papatawan ng 1% buwis mula Hulyo 1, 2020 hanggang Hunyo 30, 2023 sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE) law. Matapos ito ay babalik na ang buwis sa 10%.

“Applying the CREATE until 2023 would allow these schools to save an equivalent of 3.43 percent of compensation expenses, which could help them rehire at least 12,996 teachers at the start of the next school year,” sabi ni Salceda.

Hindi man direkta ay matutulungan na rin umano ang mga guro sa pribadong paaralan na hindi natulungan ng Kongreso sa panahon ng pandemya.

“I also hope that private schools that did not shed employment will instead translate the reduced tax rate into lower tuition fees for students whose families are also struggling,” dagdag pa ni Salceda.

Sa pagsang-ayon ng Kamara sa Senate Bill 2407 ay ipadadala na sa Malacañang ang panukala para sa pirma ng Pangulo.

Sinabi rin ni Salceda na makikipag-ugnayan ito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) upang agad itong makapaglabas ng revenue regulation kaugnay ng panukala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?