1,708

Aug 27, 2021 @ 10:22
By

House and lot for sale: JaMill ibinenta ari-arian?

Kasalukuyang naghahanap ng buyer sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad para sa kanilang bahay at lupa sa Nueva Ecija.
Ibinibenta na raw kasi ng couple na kilala sa bansag na “JaMill” ang kanilang ari-arian sa naturang probinsya.
Sa isang Facebook post, makikita ang 450 square meter mansion ng dalawa na ipino-promote para sa mga prospect buyer.

“HOUSE AND LOT FOR SALE‼️ TOTOO PONG BINEBENTA, WALA PONG HALONG BIRO,” saad sa caption ng post.

Nito lamang nakaraang linggo ng burahin ng couple ang kanilang YouTube channel dahil gusto anila mamuhay nang normal.

“Yes deleted na po ang channel. Di naman natin ma-pplease lahat ng tao na sabihing pa issue lang ito or what. Its about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto nalang Thankyou,” tweet ni Camille.

“JaMill is now signing off,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, may kontrobersiyal na pa-blind item rin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa couple na umiiwas umano na magbayad ng buwis kaya tinanggal ang kanilang YouTube channel.

BASAHIN: BIR may hinala: ‘Couple’ binura channel para iwas-buwis

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?