47

By

House, Aces swak sa playoffs, pinatirik ang NLEX

Itinala ni Franko House ang kanyang conference high 24 puntos dagdag ang walong rebounds at limang assists upang itulak ang Alaska Aces sa pag-agaw sa silya sa quarterfinals sa pag-okupa sa ikapitong silya sa pagbigo sa NLEX Road Warriors, 106-90, sa pagtatapos ng eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagbuhos ang Aces ang 12-0 atake sa natitirang 1:46 minuto ng ikalawang yugto upang itala ang pinakamataas nito na 22 puntos na abante mula sa dalawang free throw ni Kevin Racal, 61-39, tungo sa pagpigil sa Road Warriors para sa kabuuang 5-6 panalo-talong record.

“I know about my average and I just want to come out aggressive tonight and I’m so happy to get that conference high. We just concentrate on the team and focus on the team’s goal, Alaska pride,” sabi ni House.

Nakamit ng Aces ang ikaapat nitong sunod na panalo subalit mas pinakaimportante dito ang pagkakaiwas nito na mahulog sa matira-matibay na playoffs.

Ang panalo ng Aces, na kabuuang ikalima nito sa nakalipas na walong laro, ay nagbigay dito sa karapatan para harapin ang ookupa sa ikalawang puwesto na pinag-aagawan alinman sa huling laro sa pagitan ng San Miguel Beer at TNT KaTropa.

Ookupahan ng NorthPort Batang Pier ang ikawalong puwesto dahil sa tinalo ito ng Alaska sa kanilang paghaharap.

Napatalsik naman sa susunod na labanan ang Columbian Dyip.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?