11
telephone1

Hotline para sa election-related concerns, bubuksan sa Mayo 13

Sharing is caring!

Maaari nang isumbong sa hotline ang mga election-related concerns gaya ng pangha-harass, pangdadaya, pambu-bully, emergency situations, at ilan pang isyu na may kinalaman sa eleksiyon sa Mayo 14.

Maaaring makipag-ugnayan sa Balita, Sumbong, Katanungan (BSK) Teachers’ and Voters’ Election Hotline sa pamamagitan ng landline, cellphone at Facebook hinggil sa election-related reports.

Lahat ng ito ay isasagawa ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC).

May serbisyong legal din ang LENTE sa mga reklamo laban sa mga kandidato, grupo o indibiduwal na lalabag sa election rules.

Ang hotline numbers ng TDC ay ang mga sumusunod: (02) 444-6554, 0999-974466120, at 0916-6126739.

Habang ang LENTE ay: (02) 502-1591, 0917-1066265, at 0947-1644158.

Magbubukas na ang LENTE at TDC ng kanilang command post para sa mga reklamo sa hotlines at Facebook mula Mayo 13 hanggang Mayo 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?