15

Sep 23, 2020 @ 18:11
By

Hotel titiba sa Manila Bay ‘white sand’ – Isko

Sisipa ang mga negosyo sa Roxas Boulevard dahil sa white sand project sa Manila Bay, ayon kay Mayor Isko Moreno.

Kabilang aniya sa magbebenepisyo sa ibinuhos na puting buhangin sa Manila Bay ang mga hotel at establisyimento.

“Of course, sa taumbayan, as I have said, nakakita sila ng pag-asa or hope sa gitna ng ating giyera sa COVID-19. Second, I think all the hotels in Roxas Boulevard will benefit from this (Manila Bay). Businesses will boom,” pahayag ni Moreno sa Laging Handa briefing.

Reaksyon niya iyon matapos dagsain ng mga tao ang inisyal na pagbubukas ng “white sand” sa Manila Bay, na pinatigil na noong Lunes dahil marami ang hindi sumunod sa physical distancing.

“Feeling ko may awa ang Diyos. After the rain, there is a rainbow. ‘Yung mga negosyo sa Roxas Boulevard magkakaroon ng high demand in a matter of time,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?