122

Mar 19, 2020 @ 20:46
By

Hotel sa Pasig ginawang quarantine facility ni Vico kontra COVID-19

Isang hotel sa Pasig ang napakiusapan ni Mayor Vico Sotto upang maging pansamantalang matutuluyan ng mga nasasakupan nito na mino-monitor kung tinamaan ng nakahahawang sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inihayag ang balitang ito ng alkalde ng Pasig sa kanyang Twitter accounted.

“Dahlia Hotel Pasig has now been converted into a QUARANTINE FACILITY.

“Ayon sa mga eksperto, mataas ang tsansa na dadami pa ang kaso ng #COVID19. Kailangan handa tayo. Strict supervised quarantine of PUMs & PUIs w mild-moderate symptoms is 1 way we can minimize community risk,” tweet ni Mayor Vico.

Kita sa mga pinost na litrato ni Vico habang abala ito sa pagsasaayos at pag-aasiste sa mga tauhan niya para ihanda ang hotel sa mga pansamantalang manunuluyan dito.

Saludo naman ang mga netizen sa hakbangin na ito ng kanilang alkalde, at sinabing bilib sila dito dahil tila wala itong kapaguran sa pagtatrabaho.

Kilala ang Pasig City sa lugar kung saan maraming motel or hotel na maaaring puntahan ng mga magsing-irog. At sa panahon nga ng delubyo, ang hanap ng mga tao ay isang ligtas, malinis at komportableng matutuluyan habang nasa lockdown ang buong Luzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?