64

Feb 7, 2020 @ 15:28
By

Hotel sa Makati, hitik sa mga foreigner prosti

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Women and Children Protection Center (WCPC) ng Camp Crame, Station Investigation and Detective Section (SIDMS) ng Makati City Police at Makati Social Welfare Section ang isang hotel na umano’y ginagawang prostitution den sa isinagawang rescue operation sa Makati City nitong Huwebes ng gabi.

Sa isinumiteng report ni Police Col Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police na-rescue ang 18 babaeng Chinese nationals , isang Korean, Vietnamese at 11 Pilipinang massage therapist matapos salakayin ang 88 Hotel na matatagpuan sa Guerrero St. Barangay Poblacion nang nasabing lungsod dakong alas-10:50 ng gabi.

Habang walong Chinese national na pawang mga customers ang inaresto at agad itong dinala sa tanggapan ng WCPC sa Camp Crame.

Batay sa ulat, una nang nakatanggap ng impormasyon ang WCPC ukol sa aktibidad ng prostitusyon sa isang massage parlor na front lamang ng prostitusyon sa nasabing hotel.

Matapos na makunpirma ang ulat, agad na nakipag-ugnayan sa Makati City Police ang WCPC at ikinasa ang nabanggit na operasyon

Pinasok ng mga awtoridad ang nasabing massage parlor at dito na nabisto ang prostitution den at nasagip ang mga nabanggit na dayuhan prostitutes.

Sa ikalawang palapag ng gusali dito natagpuan ang 11 massage therapist at nasagip ng mga awtoridad.

Nakarekober sa lugar ang mga gamit na condom at nasagip din sa loob ng room 206 ang isang babae habang katalik ang kanyang customer.

Habang ang pito pang Chinese national na pawang mga customer ay naabutan sa mga kuwarto nang nasabing hotel.

Kayat lahat nang nasagip at naaresto ng mga pulis ay agad na dinala sa tanggapan ng WCPC habang ang walong Chinese na customers ay nakatakdang iturn over ng WCPC sa Bureau of Immigration para sa kakulang disposisyon.

Patuloy naman inaalam ng pulisya kung sino ang may-ari ng hotel at posibleng masampahan ng kaukulang kaso o may kinalaman sa human trafficking.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?