By

Hotel roadmap para sa pag-unlad ng turismo, inilunsad

Sharing is caring!

Inilunsad kahapon ng Board of Investments at Department sa Makati City ang isang roadmap para sa hotel sector at Meetings, Incentives, Conventions and Exhibitions (MICE).

Inilatag ang roadmap sa 18th Trade and Industry Development na dinaluhan ng mga delegado mula sa mga embahada, negosyante at stakeholders.

Layon nito na mapaunlad ang mga lokal na industriya ng turismo sa pamamagitan ng mga pulong at pagtitipon.

Tiwala si Tourism Dir. Milagros Say na malaking tulong din ang roadmap para makalikha ng trabaho at mabawasan ang kahirapan.

“We view the new roadmaps being presented today as very timely. The year 2017 was declared by the United Nations as the International Year of Sustainable Tourism Development because of the potential of the tourism sector to advance the universal 2030 Agenda for Sustainable Development,” ani Trade Asec. Felicitas Reyes.

Ayon pa kay Reyes, kinikilala sa buong mundo ang potensiyal ng Pilipinas para pagdausan ng mga pandaigdigang pagpupulong.

Ayon sa DOT, malaking bahagi ng National Tourism Development Plan, na layon maiangat sa 12 milyon ang bilang ng mga banyagang turista sa taong 2022, samantalang 90 milyon naman sa domestic travels.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?