31

Oct 21, 2020 @ 11:46
By

Hotel pwede na 100% operating capacity sa GCQ, MGCQ

Pinapayagan na ng gobyerno na mag-operate sa full capacity ang mga hotel sa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ areas.

Ayon ito kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat ngayong araw.

“The decision to open at 100% operational capacity will be subject to the hotel management’s decision and compliance with the safety guidelines,” punto pa ng kalihim sa isang pahayag.

Maglalabas aniya ng guidelines ang ahensiya hinggil sa pinalawak na operational capacity ng mga hotel, na dati ay pwede lang mag-operate nang may skeleton workforce.

Samantala, pinahahanda naman ng DOT ang “whole tourism value chain,” kabilang ang mga sektor ng accommodation, transportation, at tour operation.

Isa ang tourism sector sa mga pinakasinalanta ng anti-coronavirus lockdowns sa bansa at sa mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?