38

Apr 18, 2021 @ 19:02
By

Hotel para sa mga COVID patient itinulak sa Kamara

Naghain ng resolusyon si House Deputy Majority Leader at Quezon City Rep. Jesus ‘Bong’ Suntay upang gamitin ang mga saradong hotel para paglipatan ng mga pasyente na may mild symptom ng COVID-19.

Sa kanyang House Resolution 1694, sinabi ni Suntay na bukod sa mapaluluwag ang mga ospital ay matutulungan din ang mga hotel na walang kita ngayon dahil sa pandemya.

Upang matiyak na hindi maaabuso ang programa, dapat ay i-regulate umano ng Department of Tourism ang presyuhan sa bawat kwarto na magagamit.

“WHEREAS, the transfer of mild COVID patients in these alternative facilities is pivotal in decongesting hospitals, where almost 41% of patients admitted in Metro Manila are mildly ill or even asymptomatic. These will consequently free up bed spaces, accommodating more severe cases to medical wards,” saad ng resolusyon.

Ilang ospital na ang nag-ulat na puno o malapit ng mapuno ang kanilang mga kuwarto na nakalaan para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Maaari umanong gamitin ang mga hotel alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act 11494) o Bayanihan 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?