90

Jan 14, 2021 @ 18:47
By

Hotel na pinagkamatayan ni Dacera suspendido, binawian ng operation certificate – DOT

Binawi ng Department of Tourism (DOT) ang operation certificate ng City Garden Grand Hotel (CGGH) sa Makati City, kung saan natagpuang wala ng buhay ang flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon sa DOT, kinansela nila ang Certificate of Authority to Operate ng naturang hotel dahil kailangang managot ng pamunuan nito sa pagtanggap ng mga staycation guest.

“In the course of the investigation, DOT-NCR considered other evidence which were not limited to the circumstances surrounding the incident on 31 December 2020… The pieces of evidence showed that even prior to the incident and until now, the CGGH is marketing packages to accept leisure guests,” anang DOT.

Suspendido rin ang naturang hotel sa loob ng anim na buwan at magbabayad ng multa na may halagang P10,000 para sa mga quaratine violation.

“CGGH has the right to appeal within the period prescribed by the DOT rules and regulations,” anila.

Una nang itinanggi ng CGGH na lumabag ito sa mga guidline ng DOT at sinabing tatlong kwarto ang kinuha ni Dacera at ng kanyang mga kasama.

Matatandaang natagpuang wala ng buhay ang 23-anyos na flight attendant sa bathtub ng naturang hotel noong Bagong Taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?