30

Mar 12, 2020 @ 18:32
By

Hotel gawing quarantine center – Binay

Sakaling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa mga probinsiya, iminungkahi ni Senadora Nancy Binay sa mga local government unit (LGU) na gamitin ang mga hotel bilang quarantine center para sa mga PUI o Persons Under Investigation.

“It’s only a matter of time when LGUs will be overwhelmed with many COVID-related concerns. Perhaps, they can explore and study the possibility of engaging local hotels and establishments of similar nature and convert them as temporary quarantine centers,” sabi ni Binay.

Mas makabubuti aniya na magkaroon ng designated quarantine center nang sa gayon ay maihiwalay ang mga pasyente at hindi makahawa sa iba.

“LGUs also need to anticipate the unlikeliness of the situation. Because of the limited bed capacity, di kayang i-accommodate ng mga local private at government hospital ang mga PUI,” ani Binay.

Ayon kay Binay, dapat gayahin ang provincial government ng Albay kung saan isang hotel sa Tabaco City ay ginamit bilang quarantine center para sa mga kaso ng COVID-19.

“As a precautionary and preventive measure, LGUs may lead the creation of strategies to proactively respond to a public health emergency,” anang senadora.

“Kailangan ng preemptive response–and having a controlled clearing house ensures the public that the government is on top of the situation,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?