5,077

Hotel cleaner ninakaw ang tamod ng milyonaryo para magkaanak

Ninakaw ng isang tagalinis ng hotel ang gamit na condom mula sa kwarto na tinulugan ng isang milyonaryo, at pinasok ang semen sa loob ng kanyang ari para magkaanak.

Ngayon, nagretiro na ito sa nasabing hotel, mayroon na siyang apat na taong gulang na anak, at nanalo pa ito nang full custody sa isang child support case laban sa nasabing 28-anyos na milyonaryo.

Sa pagdinig, inamin ni Jane, isang 40-anyos na tagalinis sa isang Las Vegas hotel, na hindi niya nakasiping ang tech millionaire.

“He left his bank statement on the nightstand in his hotel room and I saw it when I was cleaning, at the time I wanted a baby so bad and I thought it would be better if I had a baby with a rich man,” saad ni Jane, sa ulat ng The Breaking Times.

Isinagawa ang paternity test at nalamang ang milyonaryo nga ang tatay, kaya inutos ng korte na magbayad ito kay Jane nang $2 milyon (P101.5 milyon) para sa nakaligtaan nitong tatlong taon ng lalaking anak.

Ayon sa mga abogado ng milyonaryo, desidido silang humanap ng iba pang legal na aksyon laban kay Jane dahil sa pagnakaw nito ng bodily fluids at paglabag sa privacy ng lalaki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?