114

By

Hotel casino pugad ng mga kidnapper! – Duterte

Sharing is caring!

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinamumugaran ng mga organisadong sindikato ang ilang hotel casino sa bansa.

Sa isang panayam sa Pangulo, sinabi nitong kalimitang kinikidnap ang mga guest o player sa casino sa loob ng kanyang hotel room at doon na rin ginagawa ang negosasyon.

Tinukoy ng Pangulo ang Okada hotel kung saan may naitala ng mga insidente ng kidnapping sa mga dayuhang guest nito.

“Iyang Okada diyan sa ano… they enter your room at sinabi doon, they will call the family in whatever… that we have hostaged your… tapos manghingi. Diyan lang sa kuwarto yung victim. Sasamahan lang,” anang Pangulo.

Ayon sa Pangulo, sa loob na ng casino hotel nagaganap ang buong operasyon at ang sangkot ay mga tiwaling pulis na ang lakad ay maging fixer, o kaya ay magpahiram ng pera at ang iba ay mangidnap ng mga dayuhan.

Ito aniya ang dahilan kaya tutol siya sa casino dahil maraming nangyayari bukod sa sugal dahil nagiging sentro rin ito ng droga, kidnapping at iba pang maling gawain.

“That’s the reason why it’s almost pagkapinasok mo… Philippine contemporary scene. A hotel with a casino is not good because there are a lot of things that will happen. It becomes dysfunctional actually. Kidnappings, drugs and everything,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Kalimitang nabibiktima ng mga sindikato ay mga Chinese, lalo na kapag hindi nakapagbayad sa pautang ng mga sindikato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?