263
Hostage taker sa Greenhills, patong-patong ang mga kaso
Mar 3, 2020 @ 20:42
By

Hostage taker sa Greenhills, patong-patong ang mga kaso

Kasalukuyang nakakulong ang nang-hostage sa isang mall sa Greenhills Shopping Center sa San Juan noong Lunes, Marso 2.

Nahaharap ang dating security guard na si Alchie Paray sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives, frustrated murder, serious illegal detention, grave coercion at grave threat matapos niyang i-hostage ang hindi bababa sa 50 katao dahil sa kanya umanong working condition.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, masyado raw dinibdib ni Paray ang naranasan niyang pagmamalupit ng kanyang mga superior kaya nagawa ang pangho-hostage.

Hindi raw pera ang dahilan ng ginawa nito dahil tinanggihan ng suspek ang alok ng isang negosyante mula sa Greenhills management na P1 milyon para sumuko.

Alam daw ni Paray ang kahihinatnan niya bago niya ginawa ang hostage-taking.

Matapos ang mahabang negosasyon, nakumbinsi si Paray na sumuko. Hindi raw siya nagsisisi dahil kahit papaano ay nailabas niya ang totoo at sama ng loob niya.

Kabilang ang hindi umano patas na pagtrato sa mga empleyado, talamak na katiwalian at pambabalewala ng pamunuan sa hinaing ng mga empleyado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?