43

Mar 10, 2018 @ 13:47

Hostage crisis sa California: 3 empleyado, gunman todas

Patay na nang matagpuan ang tatlong empleyado pati na ang hostage taker sa veterans home sa California nitong Biyernes.

Nakita ang mga katawan ng apat matapos ang walong oras na pagkubkob ng gunman sa gusali at pangho-hostage.

Ang tatlong babaeng biktima ay empleyado ng Pathway Home treatment program sa Veterans Home of California-Yountville, na naggagamot sa mga beterano ng Iraq-Afghanistan wars.

Tumanggi si Napa County Sheriff John Robertson na kilalanin ang mga biktima pati na ang salarin dahil kailangan pang abisuhan ang mga pamilya ng mga ito sa nangyari.

Ayon sa Veterans Affairs department, itinatag ang tahanan para sa mga beterano noong 1884.

Ito umano ang pinakamalaking veterans home na kumakalinga rin sa 1,000 matatanda at may kapansanang residente nito. (AP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?