24

Jun 26, 2020 @ 13:38
By

Hospitals sa Cebu punuan na ng pasyenteng may COVID-19

Ilang hospital sa Cebu City ang puno na ng mga pasyente na may COVID-19, kasunod ng pagtaas ng kaso ng virus sa lungsod.

Nabatid na nasa ilalim ng striktong lockdown ang 12 barqngay sa lugar.

Ayon kay Dr.Evelyn Alesna, dating Presidente ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases-Cebu Chapter, ang Cebu City Medical Center, emergency room ay kaya lamang mag-accommodate ng 15 pasyente pero nasa 50 na ang dinadalang pasyente kaya kinakailangan na nilang maglagay ng tents sa labas.

Nalaman na si Alesna, na affiliated sa ilan pang pribadong pagamutan ay may 40 pasyenteng tinitingnan kada araw, habang ang kasamang doktor ay aabot sa 60 pasyente.

Ang pagkakaron umano ng 4,000 COVID-19 sa lungsod ay hindi kapani-paniwala.

Sinabi ni Alesna na ang mga hospital ay hindi nag-ooperate sa “full capacity” kundi “over their capacity”.

“You see dead people waiting to be accommodated at funeral homes,” dagdag ni Alesna.

Nabatid na mabilis ang paglaganap ng virus sa mga matataong lugar sa siyudad gaya ng sa mga illegal settlements at kulungan at malalaking pagtitipon.

Hindi rin umano nagsusuot ng face mask ang maraming tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?