237

May 25, 2020 @ 19:52
By

Hospital bill ni Janus del Prado, binayaran ni Angel Locsin

Pinagtanggol ng aktor na si Janus del Prado si Angel Locsin laban sa mga bumabatikos sa aktres at gusto itong ipapatay.

Payo ni Janus kay Angel ay huwag na lang itong pansinin dahil mas marami aniya ang nakakakilala sa totoong pagkatao nito.

“Sa mga bumatikos sayo at gusto kang tapusin, paps. Wag mo na lang sila pansinin. Kilala ka naman ng mga taong malalapit sayo at yung pagtingin namin sayo ang importante,” sabi ni Janus sa isang Instagram post.

Giniit din niyang hindi lang pakitang-tao ang mga kabutihan ni Angel dahil minsan na rin siyang natulungan nito.

“Sabi ng mga trolls at bashers, pakitangtao ka lang daw. Pero di nila alam na madami ka natutulungan na di nababalita. Gaya ko paps. Naalala ko dati nung nagka tigdas ako way back 2014, ikaw lang sa mga kakilala ko sa industria ang nag offer ng tulong at malasakit. Sinagot mo na nga hospital bill ko, nagpupumilit ka pa dumalaw kahit bawal kasi naka quarantine ako sa hospital. Hehe. Baliw ka talaga,” dagdag ng aktor.

Nagpasalamat din siya sa malasakit at pagkakaibigan nila ni Angel.

Naiyak naman si Angel sa pa-tribute ni Janus.

“Naiyak naman ako sa pa-tribute mo, paps! Salamat sa pagtatanggol,” reply ng “The General’s Daughter” actress.

Nagkasama sina Janus at Angel sa 2008 TV series na “Lobo”.

View this post on Instagram

@therealangellocsin Sa mga bumatikos sayo at gusto kang tapusin, paps. Wag mo na lang sila pansinin. Kilala ka naman ng mga taong malalapit sayo at yung pagtingin namin sayo ang importante. Sabi ng mga trolls at bashers, pakitangtao ka lang daw. Pero di nila alam na madami ka natutulungan na di nababalita. Gaya ko paps. Naalala ko dati nung nagka tigdas ako way back 2014, ikaw lang sa mga kakilala ko sa industria ang nag offer ng tulong at malasakit. Sinagot mo na nga hospital bill ko, nagpupumilit ka pa dumalaw kahit bawal kasi naka quarantine ako sa hospital. Hehe. Baliw ka talaga. Salamat sa malasakit at sa pagkakaibigan. Sa mga nagsasabing NPA ka, di lang nila alam ang totoo, na NBA ka. Turn around fade away dunk! Labyu paps! #angeljordan #appreciationpost #angellocsin #earthangel

A post shared by Janus Del Prado (@janusdelprado) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?