128

Nov 4, 2018 @ 22:14
By

Hoshi ng grupong Seventeen na-injure sa concert

Na-dislocate ang balikat ni Hoshi habang nagpe-perform para sa encore concert ng kanyang grupo na ‘Ideal Cut – The Final Scene in Seoul’.

Agad naman siyang nagpagamot sa doktor na nakaantabay sa lugar. Sinabi ng ilang kagrupo ni Hoshi na siya ay maihahalintulad sa ‘Phoenix’ kaya huwag silang mag-alala dahil makakabalik siya ulit sa stage.

Sinigurado naman ng ibang miyembro ng Seventeen sa mga fan na tutulungan nilang maka-recover nang maayos si Hoshi at tiniyak na hindi na mauulit ang ganitong pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?