414

Dec 12, 2017 @ 12:28
By

Horror Queen title ni Kim Chiu aagawin ni Bea Alonzo

Mananatiling matatag at mabango ang karera ni Bea Alonzo sa pagpasok ng 2018 kaugnay sa nakalatag nang bagong project na ikinai-excite nya.

Sa kauna-unahang pagkakataon kasi gagawa nang horror-movie ang aktres at ang makakasama pa niya ay ang dati niyang Boss sa ABS CBN 2 na si Miss Charo Santos-Concio.

Nakaposte sa Instagram wall ni Bea ang larawan nilang dalawa ni Charon kasama ang direktor at writer ng movie na kuha sa kanilang story conference.

Tatawid mula sa mga drama projects ang aktres ngayong 2018, na matagal na rin nyang inaasam-asam ang makatikim naman ng ibang putahe sa genre ng paggawa ng movie.

@beaalonzo, “Another great opportunity____this afternoon we had a story conference for our new movie ‘Eerie”..this will be directed by Mikhail Red and written by Micah Tadena..This is going to be my FIRST horror movie and what a great honor to be doing it with THE Charo Santos…She has not done a horror movie since “Itim” back in the late 70’s..I can’t even beging to tell you how overwhelming this is..all the good opportunities, the people I have been dreaming to be working with, the concepts I have been dying to be working on..all coming together at the same time..i am excited for this journey, 2018 might just be my favorite year.”

Pag tumiba nang bonggang-bongga ang horror-movie ni Bea, posibleng sya na ang tanghaling bagong Horror Queen. Nangannganib sa kanyang horror-queen title sina Kris Aquino at Kim Chiu na ex ni Gerald Anderson.

Wala pang ibinigay na detalye si Bea ng kanilang shooting days at showing date ng nasabing movie.

Ang ganda lang talaga nang takbo ng buhay ngayon ni Bea, napapatili niya ang movie big star status nya, tapos ang ayos-ayos ng relasyon nila ni Gerald Anderson, bagay na hinahangaan sa kanya ng mga kapwa niya Kapamilya female stars.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?