31
hornets-vs-orlando
Apr 7, 2018 @ 16:51

Hornets hinambalos ang Magic sa kumpas ni Monk

Binigwasan ng Charlotte Hornets ang host Orlando Magic, 137-100, nitong Biyernes ng gabi sa Amway Center sa Orlando, Florida.

Dumale si Malik Monk ng career-high 26 points off the bench habang kumana rin ng 21 si reserve Frank Kaminsky para tapusin ng Charlotte ang apat na sunod na semplang.

Nadaig ng Hornets sa lahat ng quarters ang Orlando, na maagang nakalamang sa first quarter, 43-25.

Lumubo pa ito sa 72-49 sa halftime dahil na rin sa pagkana ng Hornets ng walong 3-point baskets sa first half.

Bunga nito, tinanghal si Monk na unang NBA rookie na nakadale ng apat na 3-point shots sa tatlong magkakasunod na laro off the bench.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?