32

Mar 10, 2020 @ 18:20
By

Hornets coach bad trip sa pagkambiyo ng ref

Kontrobersiyal na natapos ang first extra period ng 143-138 double-overtime win ng Atlanta Hawks sa Charlotte Hornets nitong Lunes.

Magkaiba ang resulta ng dalawang reviews ng game officials sa dulo ng first overtime.

Pagkatapos ng unang review, dinesisyunan ng referees na na-foul si Terry Rozier ni Treveon Graham ng Atlanta 0.8 seconds na lang.

Bago nakatira ng dalawang free throws si Rozier habang tabla sa 131-131 ang iskor, humingi ng coach’s challenge si Lloyd Pierce ng Hawks.

Pagkatapos ng pangalawang review, binaligtad ng referees ang unang tawag – hindi na-foul si Rozier.

“Very unfortunate. I’m very disappointed with the way the game ended,” wika ni Hornets coach James Borrego. “Every big call went in their direction.”

Binasag ng dalawang freebies ni De’Andre Hunter ang deadlock 13.3 seconds na lang sa second OT para ilagay ang Hawks sa unahan.

Sablay ang 3-pointer ni Rozier sa kabila bago sinelyuhan ng dalawang charities din ni Cam Reddish ang panalo.

Nanguna ang 31 points, 16 assists ni Trae Young sa Atlanta, tumapos si Hunter ng 13 points at 11 rebounds.

Naglista ng career-high 40 points si Rozier sa Hornets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?