106

Dec 14, 2017 @ 12:21

Horn wagi kay Corcoran sa TKO

Napanindigan ni Australian boxer Jeff Horn ang sinabing papatunayan niya na hindi tsamba ang pagpapabagsak kay Pinoy pride Manny Pacquiao at naidepensa nito ang kanyang world welterweight title matapos patumbahin naman si British boxer Gary Corcoran via TKO.

Ang WBO welterweight title ay nasungkit niya kay Pacquiao matapos talunin ang Pambansang Kamao noong Hulyo.

Wagi ang dating guro sa technical knockout (TKO) sa 11th round matapos ihinto ng reperi ang laban nang duguin ang malalim na hiwa sa itaas ng kaliwang mata ni Corcoran.

Ito ang unang laban ni Horn matapos ang unanimous decision upset kay eight-division champion Pacquiao sa harap ng 51,000 fans sa “Battle of Brisbane”.

Malinis pa ang kartada ni Horn, na wala pang talo sa 19 sagupa, kung saan asam niyang makalaban si Terence Crawford sa Brisbane Convention Centre sa Las Vegas sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?