11

Nov 24, 2021 @ 16:09
By

Hontiveros: Tangkang pagtakas ng magkapatid na Dargani, sino nagbayad?

Palaisipan kay Senadora Risa Hontiveros kung sino ang nagbayad ng chartered flight ng magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani, mga opisyal ng kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceutical Corp.

“Who financed the Dargani siblings’ P1.850-million chartered flight out of the country?” tanong ni Hontiveros.

Sa isang online press conference, iprinisenta ni Hontiveros ang isang dokumento ng chartered flight ng magkapatid ng Daragani mula Davao patungo sa Kuala Lumpur na nagkakahalaga ng $37,000.

“Sa mabilisang computation, yan po P1.850 million for just one flight. At sa totoo lamang, ang resibo na ito na nagpapakita ng halaga na yan ay nagpapakita ng bayad pa lamang para sa eroplano,” sabi ni Hontiveros.

“Again, sana all. Parang nag-book lang ng halagang dalawang milyong biyahe sa app,” dagdag nito.

“Kasama sa saklaw ng pagtatanong na who arranged and financed this latest attempt, yung attempted na pagtakas ng magkapatid na Dargani,” sambit pa ng senadora.

Ayon kay Hontiveros, ang dokumento ay nakuha niya sa isang source mula sa Seletar Jet Charter Pte Ltd, ang operator ng chartered plane.

Kinuwestiyon din nito kung papaanong nakakakuha ng P1.850 milyong charted flight ang magkapatid na Dargani gayong kakarampot lang ang ibinayad nilang income tax noong 2019-2020.

Sabi ni Hontiveros, P97,241 lang ang ibinayad na income tax ni Mohit noong 2020 habang P22,062 naman noong 2019.

Samantala, si Twinkle naman ay nagbayad ng P1,000 income tax noong 20220, mas mababa sa P29,187 na ibinayad niya noogn 2018.

“Kaya ang nais kong itanong sa susunod na hearing ay ito: Kung kinaya ng mga Darganis na magbayad ng ganyang halaga, na halos 2-milyon pesos para sa isang chartered flight, mukhang hindi tama ang income tax na binayaran nila,” ayon kay Hontiveros.

“At bukod pa diyan, kung hindi sila ang nagbayad, ang tanong tuloy, sino ang nagbayad? The Darganis must be very important to that person who paid for it,” dagdag pa ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?