43

Feb 6, 2021 @ 22:06
By

Hontiveros: Taas-presyo ng pagkain ‘wag isisi sa vendor

Sinabi ni Senadora Risa Hontiveros na sana’y huwag ituro sa mga nagtitinda ang mataas na presyo ng mga bilihin.

“Ang mga stakeholder ramdam talaga ang taas ng presyo ng bilihin. Sana hindi naman maipit ang ating mga tindero at tindera,” sambit ni Hontiveros sa panayam sa DWIZ nitong Sabado.

“Paano kung binabagsak sa kanila mahal na paninda? Saan sila kukuha ng kikitain kung mismong produkto ay mahal na? Kaya sana ‘wag naman ang manininda ang ituturo at maiipit,” dagdag ng senadora.

Dapat aniya ay mag-imbestiga ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) upang makita ang dahilan ng overpricing.

“Dapat magtulungan ang DTI at DA para makita saan ba nangyayari ang overpricing. Sana maipatupad na lang ang SRP all levels ‘di lang sa retailers, ang dapat mangyari tugisin sino nagsasamantala imbes na magkaroon ng across the board na price control,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?