208
Hontiveros sa muntik na paglaya ni Sanchez: Hindi good job, inside job ‘yan!
Sep 3, 2019 @ 15:48
By

Hontiveros sa muntik na paglaya ni Sanchez: Hindi good job, inside job ‘yan!

Binanatan ni Senadora Risa Hontiveros na hindi “good job” ang kamuntikan nang pagpapalaya sa rapist-murderer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Aniya, hindi ito good job, dahil isang walang pagsisisi at habitual na kriminal sa loob ng kulungan ang nakatakda sanang palayain na si Sanchez pati na ang pagpapalaya sa mga Chinese big-time drug trafficker.

Giit ni Hontiveros, isa itong “inside job” at hindi “good job”.

“Hindi po good job ang muntik na pagpapalaya sa isang walang pagsisisi at habitual na kriminal sa loob ng kulungan na si rapist-murderer Antonio Sanchez. Hindi po good job ang pagpapalaya sa mga Chinese big-time drug traffickers. HINDI YAN GOOD JOB. INSIDE JOB YAN,” tweet ni Hontiveros nitong Setyembre 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?