43

Jun 13, 2020 @ 17:06
By

Hontiveros sa Lucban Police: Mga lalaki turuang huwag mang-rape

Naglabas ng pahayag si Senadora Risa Hontiveros sa viral post ng Lucban Municipal Police Station tungkol sa pananamit ng mga babae para hindi mabastos.

Sa tweet sinabi ni Hontiveros na walang kinikilalang dress code ang panghahalay o sexual harassment sa kababaihan.

Imbes aniyang turuan ang mga babae kung paanong manamit ay turuan ang mga lalaking huwag mang-rape.

“There is no dress code for rape. Or for sexual harassment. Instead of teaching women how to dress, we should teach men not to rape. Girls & women do not report sex crimes precisely because of the tendency to victim-blame. Let’s retire this thinking,” ani Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?