104

Apr 6, 2021 @ 13:11
By

Hontiveros sa IATF, DOH: P9B pondo sa mga temporary hospital, facility, ubos na ba?

Hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at Department of Health (DOH) na ilabas ang ulat ng P9 bilyon alokasyon para sa pagpapagawa ng makeshift hospital at isolation facility.

Ginawa ng senadora ang panawagan sa gitna na pagkapuno ng mga ospital dahil sa patuloy ng pagtas ng kaso ng COVID-19.

“Ubos na ba ang P9 billion kaya nasa provincial hospitals na ang mga taga-Maynila? Sobrang puno na yung mga ospital natin, ginawang emergency room na yung tent,” sabi ni Hontiveros.

“The P9 billion, if effectively used, is supposed to go to setting up temporary but humane and fully equipped makeshift hospitals. Filipinos shouldn’t have to watch their loved ones die, sometimes under the heat of the sun, just because hospitals are full,” dagdag nito.

Ayon kay Hontiveros, ang P9 bilyong pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ay para sa pagpapatayo ng Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMF) at isolation facility sakaling mapuno na ang mga ospital ng mga pasyente na may coronavirus disease.

Mahalaga aniya para sa IATF at DOH na i-upgrade ang kanilang One Hospital Command Center (OHCC), isang hotline na siyang magsasabi kung saan ospital na mayroon pang bed capacity.

“People are running from city to city while experiencing an emergency because the OHCC cannot be reached. The OHCC could have easily harnessed the capabilities of our world-class BPOs. Filipinos answer the phones when the world calls. We don’t deserve these busy signals,” ani Hontiveros.

“With the billions in funding we have available, that is nothing but another lazy copout. Every phone call they do or do not pick up can spell the difference between life and death. We have known for many months that COVID variants, if left uncontained, could overwhelm our hospitals. Why didn’t we prepare for the worst?” tanong pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?