21

Jan 11, 2022 @ 14:11
By

Hontiveros sa IATF: Covid test gawing 150K kada araw

Dapat mas pagtuunan ng pansin ang mga unreported COVID cases, imbes na limitahan na naman ang paggalaw ng mamamayan dahil sa Omicron variant, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ipaalam ni Health Secretary Francisco Duque na nasa critical risk classification na ang Pilipinas dahil sa patuloy ng kaso ng coronavirus disease dahil sa Omicron variant.

Bukod sa mga kasong hindi nako-contact trace, sinabi ni Hontiveros na ‘marami sa ating mga kababayan ang nagse-self administer ng antigen test at nagho-home isolation kapag nagpa-positive’.

“Kailangan natin silang masuportahan habang nagpapagaling sa kanilang mga tahanan,” ani Hontiveros.

Ayon pa sa senadora, kahit mild cases pa yan, dapat mabigyan ng kakayahan at impormasyon ang ating mga pamilya pagdating sa pagmo-monitor ng kasamahan nilang natamaan ng COVID.

“Inuudyokan ko ang DOH na palakasin pa ang kanilang telemedecine capacity, pati na rin ang information campaign ukol sa home care ng mga pasyenteng may COVID,” ani Hontiveros.

Nanawagan din ito sa IATF na itaas ang kanilang PCR test sa 150,000 kada araw at dapat libre umano ito.

“At the rate we are going, IATF has to double their daily output. Kasabay nito, dapat libre ang tests para sa mga high-risk individuals, at sa mga vulnerable sectors, tulad ng ating mga senior citizens,” sabi pa ni Hontiveros.

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?