21

Jun 30, 2020 @ 15:02
By

Hontiveros sa gobyerno: Pumanig naman sa sarili nating mga mangingisda!

Hindi dapat balewalain ng pamahalaang Duterte ang nangyaring banggaan ng isang fishing boat at Hong Kong cargo ship malapit sa Occidental Mindoro noong Hunyo 29, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

“Fourteen of our Filipino fishermen are missing… We shouldn’t soft-pedal these incidents when we know this is not the first time that Chinese vessels have put Filipinos in danger,” ani Hontiveros sa isang statement, patungkol sa Gem-Ver 1 na pinalubog ng Chinese vessel noong Hunyo ng nagdaang taon.

Sakay ng nasabing vessel ang 22 mangingisdang Pinoy ngunit hindi tinulungan ng Chinese vessel. Bagkus, isang Vietnamese fishing boat ang sumagip sa mga Pinoy.

“Are we going to let another Chinese vessel get away with committing a ‘hit-and-run’ against Filipinos inside our territorial waters?” dagdag nito.

Noong Lunes, sinabi ng Malacañang na mareresolba ang insidente sa ilalim ng batas ng bansa dahil nangyari naman ito sa teritoryo ng bansa.

“Alam ninyo po, ang rules ng banggaan sa karagatan, parehong-pareho rin po iyan ng rules na ina-apply kapag may banggaan sa kalye. So wala naman pong malaking implikasyon iyan. Banggaan lang po iyan,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasabay ng pagsabing wala itong diplomatic implication.

Sabi naman ni Hontiveros, dapat bigyang prayoridad ng gobyerno ang pagpaimbestiga sa insidente at paghahanap sa nawawalang ng naturang bangka, sa halip na protektahan ang interest ng China.

“Pumanig naman tayo sa sarili nating mga mangingisda,” sabi ni Hontiveros.

Matatandaan na ang cargo vessel MV Vienna Wood, na patungong Australia, ay sumapol sa fishing boat Liberty 5 nong Linggo malapit sa Mamburan, Occidental Mindoro.

Patuloy pang pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 14 sakay ng bangkang pangisda.

“I appeal to the government to commit that we will be able to return these Filipino fishermen to their families as soon as possible,” ani Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?