27

Jul 6, 2020 @ 13:03
By

Hontiveros sa gobyerno: Kasuhan n’yo ang Meralco!

Hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros and Energy Regulator Commission (ERC) at iba pang kaukulang ahensiya ng gobyerno na imbestigahan at pag-aralan ang paghahain ng kaso laban sa Manila Electric Company (MERALCO) dahil sa kanilang ‘anti-cosumer’ billing practice sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Ngayong panahon ng pandemya, huwag naman sana dumagdag pa ang overpriced at hindi malinaw na singil sa kuryente sa problema ng taumbayan,” pahayag ni Hontieros.

“Government should use the full force of the law to put an end to abusive or questionable practices by power firms and other public utilities,” dagdag pa nito.

Sa pagdinig ng Senate committee on energy sa isyu ng power industry sa gitna ng pandemya, hinimok ng senadora ang ERC na imbestigahan ang kontrobersiyal na ‘shock bill’ ng Meralco na ipinasa sa kanilang mga consumer.

“Kung may nalabag silang ERC order, Meralco should be immediately charged and penalized for its anti-consumer practices,” ani Hontiveros.

“Consumers deserve justice for being made to pay exorbitant power charges at a time when so many have lost their jobs and livelihood,” sambit pa nito.

Nauna nang sinabi ng ERC na kanila nang sinisiyasat ang reklamo ng mga konsumer kaugnay ng hindi makatarungang electric bill na ipinasa sa kanila noong panahon ng locdown.

Kinupirma din ng komisyon na maaring nilabag ng Meralco ang ilang guidelines ng ERC batay sa nakasaad sa kanilang advisory noong Marso, Abril at Mayo.

Ilang mga consumer group naman ang nagsabing nilabag ng Meralco ang advisory ng ERC noong Abril 25 dahil mabigo umano ang power firm na impormahan ang mga konsumer hinggil sa 4-buwang amortization option kung maaring bayaran ng tao ang kanilang cumulative power fees sa apat na equal monthly installments matapos tanggalin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

“Base sa mga complaints na nareceive ng aming opisina, nakalagay sa June bill ng Meralco na hindi na ito kasama sa installment plan na pinapayagan ng pamahalaan, kaya dapat daw fully paid na by June 30,” sabi ni Hontiveros.

“Hindi rin malinaw kung estimate amount lang yung chinarge nila from February to April, or actual meter reading na siya,” wika pa nito.

“Sadya bang ginawa ito ng MERALCO para malito ang mga tao at mag-bayad sila ng buo at walang installment, labag sa utos ng ERC?” tanong pa ng senadora.

Ang nakakadismaya pa aniya, ani Hontiveros ay hindi maipaliwang ng mabuti ang Meralco sa kanilang konsumer kaugnay ng kanilang napakataas na electric bill.

“Sa gitna ng madilim na yugto ng bansa, imbis na maging liwanag ang Meralco ay lalo pang ikinulong sa dilim ang mga Pilipino. Meralco, instead of standing with us, has decided to put profitability and its corporate interests first,” ayon pa sa mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?