35

By

Hontiveros sa drug war: Balik PNP, balik EJK

Sharing is caring!

Nagbabala si Senator Risa hontiveros sa muling pagdagsa ng patayan o extrajudicial killings (EJKs).

Ito umano ang tiyak na mangyayari kapag iitinuloy ni Pangulong Duterte ang plano na ibalik sa Philippine National Police ang pangunguna sa giyera laban sa ilegal na droga.

Malamang umano na magkaroon na naman ng Kian delos Sanots at Karl Arnaiz, mga kabataan na walang laban umanong pinatay ng mga pulis-Caloocan City.

“Returning the anti-drug campaign to an unreformed PNP is a slide back into the nightmare of Tokhang. It is a return to the horrors of extrajudicial killings,” ayon kay Hontiveros.

Dagdag nito, hindi pa dapat ipagkatiwala sa PNP ang malaking tungkulin na manguna sa gyera laban sa droga dahil hindi pa nalilinis ang hanay nito mula sa mga abusado at mula sa mga responsable sa EJKs.

Idiniin na hindi rin ito kailangan dahil nagtatagumpay naman ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pangunguna sa gyera kontrata droga.

Sa kaniyang nakakalap, mula noong Hulyo 2016 hanggang nitong Nobyembre 2017, kadakip ang PDEA ng 117,268 drug personalities, nagsagawa ng 78,619 anti-drug operations kung saan nakumpiska ang 2,525.77 kilogram ng shabu na nagkakahalaga ng P18.9 bilyon.

Kabilang dito ang nasabat ng PDEA na P15 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang bahay na malapit sa Malacanang.

Walang kaakibat na patayan ang drug rains ng PDEA kaya umano marahil ayaw dito ng pangulo.

“PDEA’s alternative approach is already shaming the President’s abusive and inefficient Oplan Tokhang and teaching the public that there is a better way to address the country’s drug problem,” ayon kay Poe. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?