28

Mar 6, 2020 @ 15:52
By

Hontiveros sa DOH: Huwag mag-relax sa COVID-19

Kailangang kumilos ang Department of Health (DOH) sa kanilang kampanya para ma-detect at ma-contain ang 2019 novel coronovirus (COVID-19) sa bansa.

Ginawa ni Senadora Risa Hontiveros ang panawagan kasunod ng ulat ng DOH na may dalawang kaso ng mga Pinoy na may COVID-19, isa sa kanila ay may history na nagbiyahe sa ibang bansa.

“This is the first case of local transmission of COVID-19. Ibig sabihin, may nagkakahawaan na sa loob ng bansa,” deklara ng senadora.

“This is a cause for concern and a wake-up call for our health officials. We should not give the public a false sense of security because the danger of local transmission is real,” dagdag pa nito patungkol sa isang Taiwanese at Australian na napatunayang carrier na ng coronovirus matapos ang kanilang biyahe sa Pilipinas.

Ayon kay Hontiveros, kailangang irebyu ng DOH ang kanilang screening at testing protocol.

“Parang hindi sapat. DOH should intensify its monitoring and surveillance to include all travelers, not just those who come from countries with high prevalence of COVID-19,” sabi ng lady solon.

Kailangan ding palakasin ng DOH ang local community healthy system bilang panlaban sa naturang sakit.

“Detection and containment will improve if our community health surveillance and monitoring also improve,” punto ni Hontiveros.

“Isama natin ang mga local government units at mga barangay sa laban kontra sa virus na ito,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?