22

Jan 4, 2022 @ 13:30
By

Hontiveros sa DOH: Dagdagan vaccination capacity, booster info drive

Nananawagan si Senadora Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na itaas pa ang vaccination capacity sa buong bansa bunsod ng pagtaas ng kaso ng Omicron variant.

Aniya, dapat bigyan din ng pansin ng DOH ang mga lugar na mababa pa rin ang vaccination rate.

Sa pakikipagtulungan sa mga LGU at private sector, sinabi ni Hontiveros na dapat madagdagan ang mga vaccination sites at vaccination teams upang mas marami ang mabakunahan.

“The active COVID cases have nearly doubled in three days. The positivity rate is almost four times the ceiling set by the World Health Organization. Huwag na nating hintayin na sobrang lumala pa ang sitwasyon bago tayo gumawa ng paraan para mapabilis ang ating pagbabakuna,” sabi ni Hontiveros.

“Dapat ring palakasin pa ang information drive ng booster shots, para sa mga taong may halos tatlong buwan na ang nakakaraan mula noong kanilang second dose,” saad pa nito.

Kinakalampag din ni Hontiveros ang IATF na gawing libre at mas abot-kamay ang COVID-testing, lalo na sa mga taong may sintomas.

Bukod diyan, dapat ding tiyakin ng Bureau of Quarantine na may sapat na personnel na tututok sa mga accredited na quarantine facilities nang sa gayon ay hindi malabag ang quarantine protocols.

“Kaya sa ating mga kababayan, huwag tayong maging kampante. Huwag balewalain ang panganib na dala ng COVID variants. Patuloy nating sundin ang minimum health protocols, lalo na at kailangan ng dagdag na proteksyon ng mga senior citizens at ng mga may commorbities,” ani Hontiveros.

“Magpabakuna na tayo sa lalong madaling panahon, palaging mag-mask, dumistansya, maghugas ng kamay, at mag-isolate kung nakakaramdam ng sintomas. Malaki ang tiwala kong mas malakas ang surge capacity ng ating health system ngayong 2022,” saad pa niya. (Dindo Matining)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?