36

Dec 2, 2020 @ 13:43
By

Hontiveros sa DBP: Dokumento sa utang sa SEAG ilabas

Hinihiling ni Senadora Risa Hontiveros sa Development Bank of the Philippines (DBP) ang kaukulang dokumentasyon kaugnay ng P9.5-bilyon loan na ini-release para sa pagtatayo ng pasilidad na ginamit sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

“Nagpadala kami ng pormal na sulat sa DBP para makakuha ng dokumento na inaasahan naming magdedetalye ng bilyun bilyong loan na ito,” pahayag ni Hontiveros sa virtual press conference nitong Miyerkoles.

“Target namin yung mga files around May 2018 at hiningi namin yung loan or credit agreement, signing authority, minutes of the meeting, mga relevant presentations, management memorandum ng loan sa MTD Berhad, at higit sa lahat, yung yung Counsel’s Opinion or legal sufficiency na galing sa counsel ng DBP,” dagdag nito.

“Umaasa kami na diringgin ng DBP ang aming request letter – in the spirit of transparency – upang hindi na kailanganin pang ipa-subpoena sa kumite,” sabi pa ng senadora.

Sabi ni Hontiveros, ang DBP loan sa isa umanong “ingredient” sa isang espesyal na ginisa recipe, na patungkol sa kasabihang “ginisa sa sariling mantika.

“Matapos ma-approve ng DBM ang 2019 budget, natanggap na ng BCDA ang 9.5 bilyong piso para sa SEA Games facilities. Ito ang perang ibininayad nila sa utang ng MTD Berhad sa DBP. Ang ibinayad ng BCDA sa utang ng MTD Berhad sa DBP ay mula sa national budget. Mula sa kaban ng bayan,” sabi nito.

Ginawa ni Hontiveros ang pahayag kasabay ng muling panawagan sa Senado na imbestigahan na ang kontrobersiyan na joint venture agreement sa pagitan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) atdeveloper MTD Berhad para sa kosntruksiyon ng 2019 SEA Games facility.

“Importante ang imbestigasyon na ito dahil, sa sobrang galing ng mga chef sa transaksyong ito, parang may balak silang magluto uli,” ani Hontiveros.

“Kung nagkataon, ginisa na naman ba ang uulamin ng sambayanang Pilipino? Parang nakakaumay na yata,” pagtatapos pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?