8

Oct 18, 2020 @ 13:08
By

Hontiveros: PH-China joint venture sa WPS? No way!

Bagama’t kinatuwa ang pag-alis ni Pangulong Rodrigo Duterte ng moratorium sa oil exploration sa West Philippine Sea (WPS), hindi naman sang-ayon si Senadora Risa Hontiveros na magkaroon ng joint oil exploration ang Pilipinas sa China sa nasabing teritoryo.

Kailangan aniya munang kilalanin ng China ang 2016 Permanent Arbitration Court ruling kung saan ang Pilipians ang may exclusive sovereign rights sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa WPS bago simulan ang negosasyon para sa joint exploration.

“Hangga’t hindi kinikilala ng Tsina ang ating tagumpay sa Hague ruling, walang negotiation on joint exploration ang magiging produktibo. Sa ngayon, dapat patuloy nating igiit na ang Pilipinas lamang ang maaring magsagawa ng exploration sa ating EEZ,” pahayag ni Hontiveros.

“The requirements of the Constitution should be met and our sovereign ownership over the resources in our continental shelf must be recognized. Mayaman sa oil at gas reserves ang West Philippine Sea, kaya pilit itong inaagaw,” dagdag ito.

Ang WPS, kilala rin bilang “second Persian Gulf” ay napaulat na naglalaman ng 130 bilyon bariles ng langis, na ayon sa mga eksperto ay sumunod sa Saudi Arabia pagdating sa yaman sa reserbeng langis.

Sa e-book na pinamagatang “South China Sea Dispute” na sinulat ni retired Senior Associate Justice Antonio Carpio, ang WPS ay mayaman sa methanol, isang biofuel na maaring magpalakas sa ekonomiya ng China sa loob ng 130 taon.

“We must not easily grant China access to our seas, not only because of her rejection of the 2016 ruling but also because we need to safeguard money and resources that can get us through this pandemic. Unahin naman natin ang sariling kapakanan ng Pilipinas,” sabi ni Hontiveros.

Nauna nang sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ang pagtanggal ng moratorium ay ginawa ‘in good faith’ na may konsiderasyon sa negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Subalit giniit ni Hontiveros na ipangalandakan ng gobyerno na ang Pilipinas at hindi ang China ang may exclusive soverigh rights sa EZZ ng bansa.

“Any admissions and concessions made during negotiations with China would weaken our position in the WPS. We’ve already won legally and diplomatically, and if the government itself cannot stand by this victory, China will only use this against us,” paliwanag ni Hontiveros.

“Lulugmok sa kahirapan ang napakaraming Pilipino dahil sa pandemya. Ang mga natitirang yaman natin, tulad nitong sa WPS, ay iilan lang sa nagbibigay sa atin ng pag-asa na may mapagkukunan pa tayo ng anumang halaga. Let’s protect what is ours, not give it away,” diin pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?