51
Hontiveros: Pahayag ng Chinese envoy, banta sa buhay ng OFWs sa China
By

Hontiveros: Pahayag ng Chinese envoy, banta sa buhay ng OFWs sa China

Pumalag si Senadora Risa Hontiveros sa pahayag ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na posible umanong akusahan ng Beijing bilang espiya ang mga overseas Filipino workers (OFW) na nasa China.

“Ito’y maituturing na banta sa buhay at kabuhayan ng ating mga kababayang OFW sa Tsina,” pahayag ni Hontiveros nitong Lunes.

“It is a veiled threat in response to our simple and reasonable desire to strictly regulate Chinese POGO operations in the country and ensure the country’s national security,” dagdag nito.

Ginawa ng Chinese envoy ang pahayag matapos sabihin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na banta sa seguridad ng bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub na makikita malapit sa kampo ng militar.

Nauna nang inamin ni Presidential Spokesman Salvador Panel na pinadalhan siya ni Zhao ng text message kung saan sinabi ng huli na, “What if we also think that your overseas workers are also spying on us?”

Pero giit ni Hontiveros, malaking insulto diumano sa mga OFW ang pahayag na iyon ng Chinese ambassador.

“Our OFWs are not spies. They have no history of espionage. Filipinos abroad are valued both for their skill and unique blend of hard work and care. They pose no threat,” ani Hontiveros.

“In fact, in China, our workers are employed in areas that are nowhere near military and security facilities. To insinuate that they could be committing espionage is not only insulting, but plainly false,” dagdag nito.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, na imposible ang akusasyon sa mga OFW sa China dahil nandoon sila para maghanapbuhay at hindi para mag-espiya.

“Our OFWs are there to earn a living. I cannot imagine that they’re being engaged in spying activities,” ani Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?