246

Nov 11, 2021 @ 14:59
By

Hontiveros: Pag-atras ni Sara sa pagka-mayor, mukhang Digong ‘Part 2’

Sinabi ni Senador Risa Hontiveros na ang pag-atras ni Sara Duterte-Carpio sa mayoral race para kumuha ng mas mataas na posisyon ay lumilitaw na “Part 2″ nang ginawa ng kaniyang ama na si Pangulong Rogdrigo Duterte, noong 2016 election.

“Parang part two ng ginawa ni Presidente noong 2016 so all denials notwithstanding, abangan ang susunod na kabanata hanggang sa Lunes because 15th November, deadline for substitution, that is the moment of truth not only for her but for all of us,” ani Hontiveros sa isang interview sa ANC.

Noong 2016 election, matatandaang sinabi ng kaniyang ama, na ngayo’y Pangulong Duterte na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo, ngunit kalaunan ay kinumpirang tatakbo bilang Presidente kapalit ni Martin Diño, ang standard-bearer ng PDP-Laban party noong taong iyon.

Inaabangan na ang susunod na hakbang ni Sara at ang posibilidad na maka-tandem ito ni presidential aspirant Bongbong Marcos matapos nilang magkita sa Cebu noong Oktubre. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?