19

Feb 2, 2021 @ 13:34

Hontiveros: Mga vendor huwag ipitin!

Hinikayat ni Senador Risa Hontiveros ang gobyerno na tiyaking napoprotektahan ang mga manininda sa mga sisi sa normal na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa panahon na nagkakaroon ng kakapusan ng suplay o ‘di kaya’y sinasamantala ng ilang negosyante ang pagtataas sa presyo ng kanilang produkto.

“Aminado akong kabado ako sa pagpataw ng price freeze sa baboy at manok. Bakit ang mga maliliit na tindero at tindera ang ituturo at maiipit kung sa mga mas naunang transaksyon posibleng nangyayari ang pagtaas?” sabi ni Hontiveros.

“Paano nga naman kung ang ibinabagsak na sa kanila ay mahal na paninda naman talaga?” tanong pa nito.

Sa pagdinig sa Senado noong Lunes, hinimok ni Hontiveros ang Department of Agriculture na paigtingin ang surveillance at tutukan ang mga industry player na responsible sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin kahit na mababa naman ang presyo sa farm gate.

“Maganda naman ang layunin ng moratorium sa price increase sa mga bilihin. Pero kailangang siguraduhin na hindi maiipit at pagdidiskitahan ang mga manininda natin sa palengke,” ani Hontiveros.

“Baka kasi sa farm gate, assembler, processor, sa cold storage, o sa byahe papuntang palengke nangyayari ang pagtaas ng presyo,” dagdag pa nito.

Kassabay nito, nanawagan din si Hontiveros sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa DA na imbestigahan at kilalanin kung saan antas na value chain nag-ugat ang overpricing’ ng mga pangunahing bilhin.

Inirekomenda din nito na makipag-uganayan ang DTI at DA sa Philippine Competition Commission (PCC) para sa istriktong pag-monitor at pagpataw ng sanction sa mga lumalabag,

Kaukulang parusa mga lumalabag.

“Dumulog na ba tayo sa Philippine Competition Commission (PCC) para magtanong kung saang bahagi nagkakaroon ng labis-labis na pagpapataas ng presyo ng baboy at manok, kung ito ay nangyayari nga?,” tanong pa nito.

“Dapat na magtulungan ang PCC, DA at DTI na alamin kung saan nagaganap ang pagpapatong ng malaki at tugisin kung sinu-sino ba talaga ang nananamantala, imbes na magkaroon ng pangkalahatang price control,” saad pa ni Hontiveros. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?