55
ABANTE risa hontiveros senado senators rappler

Hontiveros: Mga pari, tino-tokhang na rin?

Sharing is caring!

Pinaiimbestigahan ni Senadora Risa Hontiveros sa Senado ang serye ng pagpatay sa ng mga paring Katoliko sa ilalim ng Duterte administration.

Paniwala ang senadora, may ‘pattern’ sa pagpatay at tangkang pagkitil sa buhay ng mga pari sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan.

“Tinotokhang na rin ba ang mga pari ng simbahang Katoliko na naglakas loob na ipahayag ang kanilang kritikal na boses sa laganap na patayan, katiwalian at pang-aabuso?” tanong ng mambabatas.

Paniwala ni Hontiveros, ang pagpatay ay hindi ‘isolated incidents’.

“These killings come on the heels of continued verbal attacks of President Rodrigo Duterte on the Catholic Church and its religious leaders particularly in light of the Catholic Church’s strong critique of the present administration’s War on Drugs,” ayon sa obserbasyon ni senadora.

“The killings also further reinforce the culture of impunity to silence valid Church-led criticisms on state policies, particularly those with respect to human rights and due process?” diin pa nito.

Sa Senate Resolution 764 na inihain ni Hontiveros, pinaiimbestigahan nito sa Senate committee on public order and dangerous ang pagpatay kay Fr. Richmond Nilo, Fr. Mark Ventura at Fr. Marcelito Paez.

Si Nilo ay pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng kapilya noong Hunyo 10, 2018 sa Cabanatuan.

Si Fr. Ventura, isang anti-mining advocate ay pinatay noong Abril 28 habang si Father Paez, isang human rights advocate ay pinaslang noong Disyembre 4, 3017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?