Hontiveros

Hontiveros, makikiisa sa ‘Angels Walk for Autism’ sa MOA

Sharing is caring!

Makikiisa si Akbayan Senator Risa Hontiveros sa “Angels Walk for Autism” na inorganisa ng Autism Society Philippines (ASP) sa Linggo, Enero 14, 2018 ganap na alas-otso ng umaga sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City.

May temang “From Autism Awareness to Acceptance, Accommodation and Appreciation”, nakatakdang magbigay ng inspirational message ang senadora para magbigay ng pag-asa at pagtanggap sa lahat ng indibiduwal na may autism at kanilang mga pamilya.

Bahagi ang autism ng Philippine Mental Health bill na inisponsoran ni Hontiveros sa Senado.

Nakalusot na ito sa bicameral level ng Kamara.

Kasama rin sa event si Akbayan Representative Tom Villarin at iba pang opisyal ng gobyerno at advocates mula sa pribadong sektor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?