215

Aug 22, 2019 @ 10:34

Hontiveros: Krimen ang pagpapalaya kay Sanchez!

Giniit ni Senadora Risa Hontiveros nitong Huwebes, Agosto 22, na hindi umano nagsisi at nagbago sa loob ng bilangguan ang rape-slay convict na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez,

Taliwas ito sa pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor) na nagpamalas ang bilanggo ng “good conduct” kaya isa ito sa humigit-kumulang 11,000 nakulong na posibleng permanenteng makalaya ngayong taon.

“How can Sanchez qualify for good conduct when he was reportedly caught with P1.5 million worth of shabu hidden in a religious statue in his cell in 2010? How does he qualify for good behavior when he was enjoying VIP perks such as an airconditioning unit and a flat-screen TV, also in his cell in 2015? These are not the acts of a reformed and repentant inmate,” usisa ni Hontiveros sa isang pahayag.

“Freeing an unrepentant criminal who refuses to take responsibility for his brutal crimes and has even committed new and serious crimes while serving time is not restorative justice. It is a mockery of justice and itself a crime,” dagdag nito.

Nirekomenda ng senadora na muling usisain ng BuCor kung sinu-sinong mga bilanggo ang talagang nararapat na mabawasan ang panahon sa kulungan.

“The implementation of the new GCTA guidelines should go beyond simple computations. More importantly, a thorough assessment of an inmate’s overall conduct inside prison vis-a-vis the nature and gravity of his or her crimes is required,” sabi ng senadora. (Riley Cea)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?